-- Advertisements --

Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na wala siyang ambisyon na tumakbo sa presidency sa 2028 national elections.

Ani Duterte, kahit ang pagtakbo sa pagkabise presidente ay hindi niya plinano. Habang binigyang diin na ang kanyang mga plano para sa hinaharap ay nakasalalay sa Diyos.

Nauna nang iniulat na sinabi ni Duterte na naniniwala siyang may tiwala pa rin sa kanya si President Bongbong Marcos Jr. kasunod ng mga isyu hinggil sa umanoy pagkasira ng UniTeam coalition.