-- Advertisements --

Posibleng maharap sa kasong perjury si Vice President Sara Duterte kung itatanggi nito ang kaalaman sa mga business interest na nakasaad sa mga dokumentong personal niyang nilagdaan sa ilalim ng panunumpa, ayon kay private prosecutor Lorna Kapunan.

Paliwanag ni Kapunan, hindi basta maaaring itanggi ni Duterte ang mga impormasyong nakasaad sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN dahil responsable siya sa mga deklarasyong pinirmahan niya.

Inihayag ito habang naghahanda ang depensa na iharap si lawyer Suzette Balucanag-Punay, na inaasahang magbibigay-linaw sa mga corporate records ng GenCorp Industries at Metro City Chow Foods. Nais ng prosekusyon na suriin ang mga dokumento at pagkakaiba ng mga ito sa mga deklarasyon ni Duterte sa kanyang SALN.

Nakatala sa 2024 at 2025 SALN ni Duterte na stockholder siya ng GenCorp, habang nakasaad naman sa 2025 corporate filing ng Metro City Chow na mayroon siyang 20 porsiyentong shares. Iginiit din ni Kapunan na dapat naibenta o na-divest ni Duterte ang mga business interest na ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno. Magsisimula ang depensa sa paghaharap ng kanilang ebidensya sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 9.