-- Advertisements --

Nagpahayag ng pangamba si Deputy Speaker at Quezon Representative David “Jay-jay” Suarez sa posibleng negatibong epekto ng naging pahayag kamakailan ni Vice President Sara Duterte na itinatalaga ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”

Sinabi ni Suarez na ang pahayag ni VP Sara ay nagpapakita ng kakulangan ng maturity na dapat ay taglay niya bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno.

Si Suarez ay isa lamang sa mga kongresista na nagpahayag ng agam-agam sa naging pahayag ng Ikalawang Pangulo at patuloy na lumalaki ang bilang ng mga ito.

Ang naging komento ng Bise Presidente, ayon kay Suarez, ay tila nagpapalakas sa lumalaking hinala na ang kanyang pagpapakita ng pakikiisa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noon ay pakitang-tao lamang.

Dagdag pa ni Suarez, anuman ang intensiyon sa naging pahayag ni VP Sara ay isang paalala na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ni PBBM at ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan.