-- Advertisements --

Nagbigay ng love advice si Vice President Sara Duterte kasabay ng kaniyang pakikipagkita sa mga Filipino community leaders sa Malaysia.

Ayon kay VP Sara para maiwasan ang heartbreak ngayong Valentine’s day, iwasan si crush dahil dudurugin at sasaktan lamang nito ang iyong puso.

Nitong hapon nga ng Martes nakipagkita at nakisalo sa dinner si VP Sara sa lider ng FilCom sa naturang bansa matapos ang kaniyang pagdalo sa Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) bilang bagong presidente ng naturang organisasyon.

Binatirin ni VP Sara ang mga ito ng Happy Valentine’s day at humirit pa na para sa kaniya mas mahalaga ang pambili ng bigas kesa sa pag-ibig. (With reports from Bombo Everly Rico)