-- Advertisements --
VP SARA DUTERTE 1

Nakipagpulong si Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, kung saan tinalakay nila ang matibay na bilateral relations ng dalawang bansa.

Ang tatlong opisyal ay nagpahayag din ng kagustuhang magtulungan sa mga regional development.

Ayon sa dalawang opisyal ng Singapore, masaya silang makipagkita sa VP Duterte, habang binibigyang-diin ang malakas na ugnayan sa usaping pang-ekonomiya.

Sinabi ni Lee na nakasentro rin ang kanilang mga talakayan sa kontribusyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Singapore.

Gayundin na tinalakay ang issue para sa international developments ng dalawang nasabing bansa.

Si Halimah, ang unang babaeng presidente ng Singapore at ang unang Malay na pinuno ng gobyerno sa loob ng 47 taon, ay malugo na sinalubong si VP Sara Duterte.

Ibinahagi rin niya na huling nakipagkita siya sa Bise Presidente sa Davao City sa isang state visit ay noong 2019, upang muling pagtibayin naman ang mainit na pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang naturang bansa.