-- Advertisements --
image 48

Nakiisa si Vice President Sara Duterte sa mamayang Pilipino sa paggunita sa alaala ng mga yumaong mahal sa buhay ngayong araw ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng mas makabuluhang pamumuhay na may pagmamahal, pagpapatawad at kapayapaan.

Sa mensahe ng Ikalawang Pangulo ngayong araw, nakiisa din ito sa mananampalatayang Kristiyano sa paobserba ng araw ng mga kaluluwa at umaasang magbibigay ito sa bawat pamilya ng pagkakataon para ipagdiwang ang bawat buhay ng yumaong mahal sa buhay ng magkakasama at mag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.

Binati din ni VP Sara ang mga Pilipino ng mapagpalang pg-obserba ng holiday.