-- Advertisements --

Binisita ni Vice President Leni Robredo si Senator Leila De Lima sa kulungan nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Sa inilabas na sulat kamay ng senador, labis nitong ikinagalak ang pagibisita ni Robredo sa kaniya.

Nagkuwentuhan niya sila tungkol sa katatapos na halalan at ang pagtatapos ng anak ni Robredo na si Jillian.

Kasama rin na natalakay ng dalawa ang paglulunsad ng Angat Buhay NGO at ang kaso nito.

Wala rin aniya silang sama ng loob kahit na bigo ang mga ito na manalo sa katatapos na halalan.