-- Advertisements --

Pormal nang inendorso ng opposition coalition 1Sambayan si Vice President Leni Robredo bilang kanilang presidential candidate sa 2022 elections.

Inanunsyo ni retired Associate Justice Antonio Carpio, isa sa mga convenors ng 1Sambayan, ang kanilang endorsement kay Robredo isang araw bago ang filing ng Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay Carpio, umaasa silang tatanggapin ni Robredo ang kanilang endoresment na mamuno sa bansa ngayong nahaharap ang bansa sa mahirap na sitwasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.