-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng voucher system sa ilalim ng National Rice Program.

Sinaib ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mahalaga ang pagsasaayos ng voucher system para matiyak na nagagamit ng tama ang pondo ng gobyerno.

Layon din nito na mabebenipisyuhan ang lahat ng mga magsasaka.

Sa ilalim kasi ng programa ay magpapakalat ang DA ng vouchers sa mga magsasaka kapalit ang mga fertilizers, binhi at ilang mga gamit sa pagsasaka.