-- Advertisements --

Posibleng ipagpapatuloy sa buwan ng Oktubre ang voter registration sa buwan ng Oktubre para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sakaling ipagpaliban ito sa susunod na taon.

Paliwanag ni Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco,ang katapusan ng voter’s registration ay nakadepende kung kailan isasagawa ang barangay at Sk elections.

Kung isasagawa sa May 2023 ang BSKE, ang voter registration ay mula October hanggang December 2022.

Kung malilipat naman ito sa December 2023, ipagpapatuloy ang voter regsitration mula October 2022 hanggang June 2023.

Inihayag naman ni Laudiangco na inaasahang tataas pa ang bilang ng mga botante sakaling ipagpatuloy ang voter registration.

Sa kasalukuyan, mayroong 67 million botante para sa barangay election habang nasa 24.45 million naman para sa SK.