-- Advertisements --
Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Linggo na tumanggi ang Russia at Estados Unidos na tanggapin ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy para sa kanyang deportation.
Maalalang Nahuli si Zdorovetskiy noong Abril dahil sa mga iligal na stunt, kabilang ang pangha-harass sa mga Pilipino.
Nakatakda siyang humarap sa paglilitis sa susunod na linggo para sa tatlong kaso ng unjust vexation, na may katumbas na parusang pagkakakulong mula tatlo hanggang labindalawang buwan.
Pagtitiyak ni Remulla na makukulong si Zdorovetskiy.
Una nang humiling ang vlogger na ibasura ang kaso dahil sa mental health concerns, ngunit giit ni Remulla na hindi pwedeng palampasin ang kanyang mga ginawa.