Nangako ang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makikipag-ugnayan sa Japanese government para sa visa-free entry ng mga Pilipino sa karatig na bansa.
Ito ay kasunod ng rekomendasyon nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Sagip Rep. Rodante Marcoleta na payagan ng Japan government anf pagpasok ng mga Pilipino sa naturang bansa nang walang visa sa isinagawang padinig ng Commission on Appointments committee on foreign affairs.
Tiniyak naman ni Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Japan Mylene Garcia-Albano kaniyang isusulong ang naturang rekomendasyon ng mga mambabatas.
Sa bilateral teis kasi ng Pilipinas at Japan, kabilang sa prayoridad ang visa-free entry, food security, energy, health, education, trade and investment at tourism.