-- Advertisements --

Wala nang balak si Vina Morales na pormal na magreport sa himpilan ng pulisya matapos mabiktima ng snatcher sa EDSA.

Ayon sa 44-year-old singer/actress, sadyang nalulungkot lang siya na naglipana pa rin ang mga may masasamang loob gayong nasa gitna na ng pandemya ang bansa.

https://www.instagram.com/p/CF2C-g5Jp7-/

Una rito, aminado si Morales na nakabukas ang bintana ng kanyang sasakyan nang mahablot ang kanyang cellphone (cp) habang nasa tapat ng gasoline station.

Bigo naman siyang maabutan ang snatcher nang kanya itong habulin kaya bahala na lamang daw ang Diyos dito.

Kaugnay nito, binalaan ni Morales ang publiko na huwag pakampante sa paligid.