-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Tiwalang inihayag ni Atty. Axel Gonzales, isang Aklanon lawyer at isa sa mga legal counsel ni Deniece Cornejo na makukulong ang TV host at komedyanteng si Vhong Navarro sa alegasyong panggahasa sa modelo.
Sinabi ni Atty. Gonzales na malakas ang mga ebidensiyang magpapatunay na ginahasa ni Navarro si Cornejo noong 2014.
Lunes ng gabi ng magpalabas ang Taguig City Regional Trial Court Branch 69 ng warrant of arrest laban sa actor sa kasong rape.
Matatandaang ibinasura noong una ng DOJ ang kaso ni Deniece laban kay Vhong dahil sa inconsistency ng mga salaysay nito sa nangyari.
Sinabi umano ng Court of Appeals na mas mainam para sa actor na sa korte na lamang nito ipagtanggol ang kanyang sarili.