-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang actress na si Susan Roces sa edad na 80-anyos.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Senator Grace Poe nitong Biyernes ng gabi Mayo 20.

Hindi nagbigay pa ng anumang detalye ang senadora sa pagpanaw ng ina at sinabi na lamang na tiyak na itong masaya dahil magkasama na sila ng ama na si Fernando Poe Jr.

Isinilang noong Hulyo 28, 1941 bilang si Jesusa Purification Levy-Sonora-Poe.

Nagsimula siya sa kanyang acting career noong 1952 kung saan pumatok ang pelikula nitong “Mga Bituin ng Kinabukasan” at mula noong ay tinagurian siyang “Queen of Philippine Movies”.