-- Advertisements --
Inaresto ang aktor na si Dindo Arroyo dahil sa kasong cybercrime sa Binan City, Laguna.
Ayon sa Laguna Police Provincial Office (PPO) ang 61-anyos na si Conrado Manuel Ambrosio II alyas Dindo Arroyo ay nahuli nitong Martes ng gabi matapos maglabas ng warrant ang Regional Trial Court Branch 101 sa Santa Rosa City para sa pag-aresto sa kanya.
Nahaharap ang aktor sa dalawang bilang ng paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Itinakda ang halaga ng kanyang piyansa na ₱10,000 kada kaso.