-- Advertisements --

Tinapos ni Formula One champion Max Verstappen ang racing season sa pamamagitan ng ika-19 na panalo ngayong taon sa Abu Dhabi Grand Prix.

Dahil sa panalo ay nakuha ng 26-anyos na Dutch ang pangatlo sa all-time list of career F1 wins na mayroong 54 sa kabuuan.

Sinundan niya sina Lewis Hamilton na mayroong 103 panalo at Michael Schumacher na mayroong 91.

Sinabi nito na naging hindi madali sa kaniya ngayong season kung dahil sa maraming pagsubok ang kaniyang dinaanan.