-- Advertisements --

Nagkampeon sa Shanghai Masters si Valentin Vacherot .

Ito ay matapos talunin niya sa finalsa ang pinsan na si Arthur Rinderknech sa score na 4-6, 6-3, 6-3 .

Dahil dito ang 26-anyos na ranked 204 ay naging lowest player na nagwagi ng ATP Masters 1000 title.

Bago nagkampeon ay tinalo nito ang mga may matataas na rankings gaya ni Number 11 na si Holger Rune sa quaterfinals at sa semifinals naman ay si Novak Djokovic.

Magbubulsa si Vacherot ng mahigit na $1.1 milyon na premyo at ang pagpasok sa Top 50 sa world rankings.