-- Advertisements --
Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan ng maging batas ang Vaccination Program Act of 2021.
Dahil dito ay mapapabilis na ang rollout ng vaccination program ng bansa laban sa COVID-19.
Kasama rin sa batas ang pagkakaroon ng P500-milyon na indemnity fund para sa mga nagpaturok na bakuna na nakaranas ng kakaibang epekto.
Layon nasabing batas ay para mapadali ang mahabang proseso ng bidding at mapabilis ang pagbili ng mga bakuna.
Nakatakdang dumating na sa bansa ang 600,000 doses na Sinovac vaccine ang bakuna na gawa ng China.