Hinimok ng Bureau of Quarantine ang mga dayuhan at Pilipinong uuwi sa bansa na gamitin ang health pass system para maiwasan ang aberya.
Ayon kay deputy directorr Dr. Roberto Salvador Jr. otomatikong pinoproseso ng OnehealthPass mula sa medical declaration hanggang sa quarantine ng mga travelers.
Kailangan lamang mag-log-in ng mga travelers sa OneHealthPass website para sa kanilang personal na detalye at flight at kanilang health declaration.
Makakatanggap sila ng QR code na kanilang iprepresenta sa mga awtoridad pagdating sa bansa.
Gagawing mandato sa mga travelers ang pagdalo sa orientation, pagkuha ng immigration clearance papunta sa kanilang quarantine hotel.
Matapos namang makuha ang kanilang COVID-19 test result at quarantine certificate, makakatanggap ang lokal na pamahalaan na pupuntahan ng traveler mula sa OneHealthPass na cleared ito sa virus.