-- Advertisements --
Target ng DOH na mabakunahan ang mga indibidwal na nasa high risk bago simulan ang pagbabakuna sa susunod na priority group.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nais na tutukan ngayon ng kagawaran ang mga nasa A2 at A3 category dahil nasa 13% ng mga senior citizens pa lamang ang nababakunahan habang nasa 15% naman sa mga persons with comorbidities.
Kailangan ani Vergeire na maabot ang nasa 50% mula sa A2 at A3 na mabakunahan.
Sa kasalukuyan ang nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno ay saklaw na din apti ang mga nasa A5 category o mga indigent communities.
Nakatakda namang simulan ang pagbabakuna sa mga iba pang populasyon ng bansa sa buwan ng Agosto.










