-- Advertisements --

Nominado para sa Basketball Hall of Fame ang USA 2008 Olympic gold medal squad na kinabibilangan noon ng namayapang si Kobe Bryant, LeBron James at Vince Carter.

Ito ang unang pagkakataon na mapasama ang buong basketball squad ng US Basketball Olympic team.

Ilan sa mga nominado ay sina Women’s NBA Champion at three-time US Olympic Champion Seimone Augustus, two-time NBA champion center Bill Lambeer, 16-season NBA head coach at Television commentator Mike Fratello at Australian Olympians Andrew Gaze, Penny Taylor at Michele Timms.

Pormal na ilalabas listahan ng Class of 2024 sa darating na Abril 6 sa Phoenix, Arizona habang isasagawa naman ang pagkilala sa mga napili sa Agosto 17 sa Hall of Fame sa Springfield, Massachusetts.