-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record si American swimmer Katie Ledecky.

Nakumpleto nito kasi ang 1500 meters short-course freestyle sa loob ng 15:08:24 o mas mabilis ng 10 segundo kaysa sa dating mga record.

Naganap ang pagbasag nito ng record sa FINA Swimming World Cup sa Toronto kung saan pumangalawa lamang si Laila Oravasky.

Ang seven-time Olympic gold medalist ay nagtapos ng 40 segundo na mas maaga kaysa kay Beatriz Dizotti.

Muntik na rin niyang mabasag ang 800 meters world record na mayroong 8:00:58 sa second ng world-record pace.