-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sina US Secretary of State Marco Rubio at Pope Leo XIV.

Ayon sa White House na bibisita si Rubio sa araw ng Biyernes.

Ito ang unang pagkakataon mula ng nagkaroon ng palitan ng salita ang Santo Papa at US President Donald Trump.

Binatikos kasi ni Trump ang Santo Papa dahil sa pagkontra niya sa inilunsad na giyera sa Iran.

Itinanggi naman ni Rubio na ang dahilan ng kaniyang pagbisita sa Santo Papa ay para muling manumbalik ang samahan ng US at Vatican.

Dagdag pa nito na ang isa sa mga tatalakayin nila ay ukol sa usapin sa Vatican ganun din sa Cuba.