Nais ni United States President Joe Biden na muling itatag ang military-to-military ties sa China.
Ito ang inihayag ni White House national security adviser Jake Sullivan ilang araw bago magkita si Biden at ang Chinese leader.
Nakatakdang kasing magkita si US President Biden at Chinese President Xi Jinping sa Miyerkules sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit sa San Francisco.
Ito ang ikalawang in-person meeting sa pagitan ng dalawang lider mula nang manungkulan si Biden noong Enero 2021.
Iginiit ni Sullivan na ang restored military ties ay posibleng maganap sa bawat level mula sa senior leadership hanggang sa tactical operational level.
Samantala ayon sa senior US official, ang pagpupulong sa pagitan ng dalawang lider ay inaasahang matatalakay ang mga pandaigdigang isyu mula sa digmaang Israel-Hamas hanggang sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine, Ugnayan ng North Korea sa Russia, Taiwan, Indo-Pacific, Usapin sa karapatang pantao, fentanyl production, artificial intelligence, pati na rin ang “fair” trade at economic relations.