-- Advertisements --

Nagkasundo sina US President Joe Biden at bagong British Prime Minister Rishi Sunak para suportahan ang Ukraine at pagpapanagot sa Russia sa invasion nito.

Ito ang napag-usapan ng dalawang lider matapos pormal na umupo ni Sunak bilang ikatlong prime minsiter ngayong taon na mamanahin ang kinakaharap na economic crisis matapos ang pagbibitiw ng dating PM na si Liz truss.

Nanindigan din ang dalawang lider sa isang “special relationship” sa pagitan ng United States at Britain at nangako ng kooperasyon para sa advance global security at prosperity.

Napag-usapan din nina Biden at Sunak ang pagtugon sa mga hamon mula sa China na tinukoy ng Amerika na top geopolitical at economic rival nito sa world stage.