-- Advertisements --
Naghahanda na ang Pentagon sa posibleng pagpapalikas sa mga staff ng US embassy sa Khartoum kapag lumala ang kaguluhan sa Sudan.
Ayon kay US Defense Department spokesperson Phil Ventura na nagsasagawa na sila ng mga pagpaplano at inaalam ang ilang scenario na maaring mangyari sa Sudan.
May mga itinalaga silang dagdag na sundalo ng US sa lugar para tutulong sa mga ililikas nila na mga empleyado ng embahada.
Magugunitang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF) na pinamumunuan ni Abdel Fattah al-Burhan, at Rapid Support Forces (RSF),na siyang loyal kay General Mohamed Hamdan “Hemedti” Dagalo noong nakaraang linggo na ikinasawi ng mahigit 300 katao na.