-- Advertisements --
Binabantayan ng US ang pagbagsak sa mundo ng mga debris mula sa rocket ng China.
Ang 18 tonelada na debris mula sa Long March-5b vehicle ay ginamit para sa paglunsd ng unang model ng bagong space station ng China noong nakaraang buwan.
Ayon sa US na kanilang mahigpit na aabangan kung saan ito babagsak.
Sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin na wala silang balak na ito ay kanlang pasabugin at umaasa sila na sa dagat ito bumagsak.
Ilang mga space debris modelling experts ang nagmungkahi na baka sa Sabado o sa Linggo papasok sa mundo ang nasabing debris.
Noong Abril 29 ng lumipad sa 160 km by 375 km sa ibabaw ng mundo ang Long March-5b core.