-- Advertisements --
Dinagdagan ng US ang kanilang ibibigay na tulong pinanasiyal sa Ukraine.
Sa kaniyang talumpati sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) Summit sa Madrid, Sinabi ni US President Joe Biden na inihahanda nila ang dagdag na $800 milyon bilang military aide sa Ukraine.
Dagdag pa nito na kasama ng US ang kaalyadong bansa ng NATO na komokontra kay Russian President Vladimir Putin.
Tiwala din ito na hindi tatalunin ng Russia ang Ukraine.










