-- Advertisements --

Nagbabala ang mga Republicans at Democrats na maraming isyu ang kailangang ayusin sa kahilingan ng karagdagang pagpopondo sa Ukraine ni US President Joe Biden.

Kabilang dito ang pag-draft ng legislative language — at ang buong proseso ay maaaring tumagal ng ilang linggo hanggang sa magkaroon ng mga final votes sa parehong kamara .

Pormal na humiling si Biden sa Kongreso ng $33 bilyon na supplemental funding bill na naglalayong suportahan ang Ukraine sa susunod na ilang buwan habang ang brutal at walang humpay na digmaan ng Russia ay pumapasok sa isang bagong yugto.

Binalangkas niya ang isang panukala na higit na magigipit sa mga oligarko ng Russia sa digmaan sa Ukraine, kabilang ang paggamit ng pera mula sa kanilang nasamsam na mga ari-arian upang pondohan ang depensa ng Ukraine.

Ang layunin ng demokratikong pamumuno, ay ipasa ang pacakage na ito bago ang recess ng Memorial Day.

Ngunit may mga karagdagang komplikasyon na dapat ayusin — kung ano ang gagawin sa isang nakatigil na package ng pagpopondo sa COVID-19.

Bukod pa rito, ang mga mambabatas ng Kamara ay nasa recess sa susunod na linggo.

Maraming Republicans naman ang nagsenyas na kailangan nila ng karagdagang impormasyon tungkol sa supplemental ni Biden bago sila mangako sa pagboto dito sa Senado.