Walang balak mag-sorry si Candace Cameron Bure kaugnay sa larawan nila ng athletic husband na para sa iba ay sobrang PDA (public display of affection).
Ayon sa 44-year-old self-proclaimed “Queen of Christmas,” pumayag naman ang Russian-American retired ice hockey player husband nito sa naturang konsepto ng PDA photo kung saan nakaakbay ito sa kanya habang ang kaliwang kamay ay nakadakma sa dibdib nito.
Bakas ang hindi pagseryoso ni Candace sa mga nagbigay ng malisya sabay giit na puwede siyang hawakan ng kanyang asawa anomang oras nilang gustuhin.
Katunayan ay ito aniya ang isa sa sikreto ng kanilang “healthy and good marriage” sa loob ng 24 taon.
Una nang binura ng Full House at Hallmark Channel star ang ngayo’y kontrobersyal na larawan pero kanya itong ni-repost sa tinatawag na IG story.
Taong 2004 nang magsimula ang love story ng dalawa at nabiyayaan na ng tatlong anak. (OMG)