Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng isang malawakang paghahanap sa isang reservist ng U.S. Army na pumatay ng 22 katao habang tinatayang sugatan naman ang 60 katao sa isang bowling alley at isang bar na nagdulot naman ng takot sa mga tao sa Lewiston, Maine.
Naglabas na ng warrant of arrest para kay Robert Card, 40, na inaakusahan suspek ng mass shooting. Ayon sa awtoridad,itinuturing na itong armado at mapanganib.
Si Card ay isang certified firearms instructor at miyembro ng US Army Reserves, ayon sa law enforcement officials sa Maine. Nagbanta siya kamakailan na magsasagawa ng pamamaril sa isang pasilidad ng National Guard sa Saco, Maine, at nai-ulat na may mga isyu ito gaya ng mental health isues, at hallucinations, ayon sa mga opisyal.
Samantala, binalaan na ng mga law enforement agencies ang mga residente na manatili sa loob ng bahay at i-lock ang mga pinto. Humigit-kumulang 39,000 katao ang nakatira sa Lewiston.