-- Advertisements --
Nagbabala ang University of the Philippines Diliman sa mga nagkalat na online posts na ginagamit ang pangalan ng kanilang unibersidad para ialok ang iba’t ibang online courses.
Sa isang pahayag, pinayuhan nito ang publiko na tanging ang official social media pages lamang nila ang bisitahin para makaiwas sa scam.
Matatandaan na noong Enero ay inanunsiyo ng UP Open University na mag-ooffer ito ng 24 na libreng online courses kung saan makakakuha ng sertipiko ang mga makakakumpleto nito.









