-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang apat na official entries para sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pinangunahan ni MMDA acting chairman at MMFF concurrent chairman Atty. Romando Artes ang pag-anunsiyo.

Kinabibilangan ito ng pelikulang “A Mother and Son’s Story” na isang drama na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta at Alden Richard.

Kasama rin ang KAMPON na isang horror movie na pinagbibidahan ni Beauty Gonzales at Derek Ramsay.

Kabilang din sa unang apat ay ang fantasy action na PENDUKO na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli at Cristine Reyes at ang pang-huli ay ang romance drama na “REWIND” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Pagtitiyak ni Artes na sinasalang mabuti ng members of the board ang mga pelikula bago ito aprubahan.