-- Advertisements --
Umapela ang United Nations ng kabuuang $4.2 bilyon na tulong para sa mga nasirang kabahayan dahil sa patuloy na labanan sa Ukraine.
Ayon kay U.N. aid chief Martin Griffiths na kabilang na dapat na mabigyan ng tulong ay ang mga Ukrainian refugees.
Dagdag pa nito na ilang libong mga residente ang labis na naaapektuhan at hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makamit ang mga basic needs nila.
Base kasi sa pagtaya ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na mayroong 14.6 milyon katao o 40 percent na populasyon ng Ukraine ang naapektuhan. na kailangan ng tulong dahil sa paglusob ng Russia.










