-- Advertisements --
image 376

Pinagtibay ng UN Security Council ang isang resolusyon na nananawagan sa Taliban na mabilis na baligtarin o tapusin na ang lahat ng mga paghihigpit na hakbang laban sa mga kababaihan, partikular na ang pagkondena ng pagbabawal nito sa mga babaeng Afghan na nagtatrabaho para sa United Nations.

Ang resolusyon, na nagkakaisang pinagtibay ng lahat ng 15 miyembro ng Konseho, ay nagsabi na ang pagbabawal na inihayag noong unang bahagi ng Abril ay nagpahina sa human rights at humanitarian principles.

Sa mas malawak na paraan, nanawagan ang Konseho sa Taliban na mabilis na baligtarin ang mga patakaran at gawi na naghihigpit sa pagtamasa ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan.

Binanggit nito ang pag-access sa edukasyon, trabaho, kalayaan sa paggalaw, pantay at makabuluhang partisipasyon ng kababaihan sa pampublikong pang-araw araw na kabuhayan.

Hinimok din ng Konseho ang lahat ng Estado at organisasyon na gamitin ang kanilang impluwensya upang isulong ang isang pagbaligtad ng mga patakaran ukol sa nasabing issue.