-- Advertisements --
image 266

Isinusulong ng mga advocates at ilang opisyal na taasan ang sin tax para mapataas ang revenues ng gobyerno gayundin ang pagtigil ng paggamit ng tobacco sa bansa.

Ginawa ang naturang panawagan ng Sin Tax Coalition na pinamumunuan ng Action for Economic Reforms kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng 2012 Sin Tax Law kung saan nagtipun-tipon ang mga supporter, mamababatas, opisyal ng gobyerno, health advocates at civil society groups.

Ayon kay Filomeno Sta. Ana, executive director of Action for Economic Reforms na reluctant ang Marcos administration na taasan ang buwis sa kabuuan partikular na sa tobacco at alak.

Sa nakalipas kasi aniya nang Senador pa si Pangulong Marcos Jr. bumoto ito ng pabor sa tobacco bills subalit tinutulan nito ang buwis sa tobacco at alak.

Bagamat may ilan aniyang pressure sa gobyerno para taasan ang revenues sa gitna ng mataas na spending sa sektor ng kalusugan, pagtugon sa pandemiya, climate change at iba pa. Posibleng ito rin ang rason sa likod ng kontrobersyal na isinusulong na Maharlika Fund.

Aniya mayroong paraan para taasan pa ang revenues sa pamamagitan ng pagtataas ng rates sa tobacco, alcohol at iba pang harmful products na magreresulta ng malaking revenues na napatunayan na noon.

Mapapababa din aniya ng pagpataw ng tax rates ang pagkonsumo sa mga mapanganib na produkto.

Base sa pag-aaral mula sa Philippine Congressional Policy and Budget Research Department, aabot sa tinatayang P261 billion ang sin tax revenues noong 2021 mula sa average na P53 billion mula 2010 hanggang 2012.