-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na iniimbestigahan na ang pag-power trip umano ng isang PNP (Philippine National Police) officer sa Guimaras Police Provincial Office (GPPO) sa baguhang pulis na kanyang nagugustuhan.

Ang patrolwoman ay humingi ng saklolo sa NAPOLCOM dahil sa hindi na raw ito makatiis sa ginagawa sa kanya ng isang police lieutenant colonel na dumidiskarte sa kanya kahit may asawa na.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Joseph Celis, director ng NAPOLCOM-Region VI, sinabi nito na inamin ng patrolwoman na pini-pressure ito ng pulis at palaging pinapatawag sa opisina ng hindi na pinangalanang police lieutenant colonel.

Aniya, apektado na ang mental state ng patrolwoman dahil inaakusahan ito na “kerida” ng asawa ng pulis.

Sinuguro naman ng NAPOLCOM na aaksyunan ang reklamo bago pa lumala ang sitwasyon sa Guimaras Police Provincial Office.