Pinabulaanan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang alegasyon ng pagbuhos ng smuggled onions sa mga merkado sa Cagayan de Oro na mula umano sa Holland.
Iginiit ng ahensiya na halos lahat ng available na suplay ng sibuyas ay mula sa Luzon.
Sa isang statement, sinabi ni Officer-In-Charge at BPI Region X Manager Arnold dela Cruz Jr. na base sa imbestigasyon at monitoring sa mga merkado na ikinasa ng iba’t ibang ahensiya ng Department of Agriculture (DA) napatunayang hindi totoo ang naturang mga alegasyon na talamak ang smuggling ng onions sa Cagayan de Oro.
Pinaigting din aniya ng regional office ang kanilang monitoring sa mga merkado sa pakikipagtulungan sa DA Regional Filed Office at Agribusiness and Marketing Assistance Service.
Iniulat din ng BPI base sa kanilang price monitoring noon lamang Huwebes sa ilang palengke sa Cagayan de Oro ay lumalabas na ansa pagitan ng P50 at P65 kada kilo ang wholesale price ng pulang sibuyas mapalocal man o imported habang ibinbenta naman sa P65 hanggang P70 kada kilo ang imported white onions.
Ang retail price naman ng kada kilo ng pulang sibuyas ay nasa P90 hanggang P170 , ang imported na pulang sibuyas naman ay nasa P100 habang ang imported na puting sibuyas ay ibinibenta sa presyong P90 at P180 kada kilo.
Sinabi naman ng BPI official na ang local at import onions ay nagmula sa Metro Manila, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan at Nueva Ecija.
Ang dumating naman sa Davao port na imported onions mula sa China ay dinala sa Cagayan de Oro city at nakaimbak sa isang warehouse.