-- Advertisements --

Kinondena at pinasinungalingan ng Caloocan City Police Station ang kumakalat na maling balita sa social media na may gumagalang serial killer sa kanilang lungsod.

Sa isang statement, nilinaw ng Caloocan police na ito ay fake news o walang katotohanan.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong nababalitaan online na walang basehan at nagdudulot lamang ng kalituhan o takot sa taumbayan.

Ayon pa sa Caloocan police, kanilang tutuntunin ang pinagmulan ng fake news at lalo pang papaigtingin ang police at mobile visibility at iba pang anti-criminality operations upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod.