-- Advertisements --

Inanusiyo ng Ukraine na napabagsak nila ang 3 Russian Su-34 fighter-bombers nitong nakalipas na araw sa may Kherson region.

Ito ay sa gitna ng hindi pa rin natutuldukang labanan sa pagitan ng pwersa ng Ukraine at Russia na sumiklab noong Pebrero 24, 2022.

Ayon kay Air force commander Mykola Oleshchu, natagpuan sa napabagsak na Russian drone ang mensaheng may nakalagay na “Die,bitches”.

Sa naging address naman ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky, pinasalamatan nito ang kanilang kasundaluhan partikular ang Air Force at Odesa Anti-Aircraft Missile Brigade na nagpabagsak sa Russian fighters.

Nagbabala din si Zelensky sa bawat Russian killers na kanilang papanagutin ang mga ito.