-- Advertisements --

Nagdiwang ang mga Ukrainians matapos ang mabawi ng kanilang sundalo ang tatlong lugar na hawak ng mga Russian forces.

Agad na nilagya ng kanilang watawat ang gusali na kanilang nabawi sa Donetsk region.

Ang nasabing hakbang ay bilang resulta ng kanilang ginagawang counteroffensive.

Dahil sa mga pagkakabawi ng lugar ay pinuri naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang mga sundalo nito dahil sa pakikipaglaban nila para mabawi ang lugar nila.

Pagtitiyak naman ng Ukrainian President na patuloy ang kanilang pagsusumikap para mabawi pa ang ilang mga lugar na sinakop na ng Russia.