Pinangunahan ng Ukrainian commander ang madugong labanan na nangyayari sa isang steelplant sa Mariupol.
Ang Azovstal steelworks na matatagpuan sa Mariupol ay ang huling kuta o stronghold resistance ng Ukraine na siyang target na kunin ng Russia.
Sa isang video message, pinuri ni commander Denis Prokopenko ang mga sundalo ng Ukraine dahil sa kanilang “superhuman efforts” na maitaboy ang Russian forces sa kabila ng napakahirap na sitwasyon.
Napag-alaman na ang Azovstal metal works ay naging “priority number one” para sa Ukraine’s political at military leadership.
Ito ngayo ang naging “puso” ng digmaan.
Samantala, ang Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ay umapela sa UN para tulungan na masagip ang buhay ng mga natitirang sugatang Ukrainians na nakulong sa Azovstal steelworks sa Mariupol.
Pinaniniwalaang nasa 200 civilians ang nagtatago ngayon sa loob ng planta.Top