-- Advertisements --
Umani ng magkakahalong reaksyon mula sa UFC fans ang ginawang pag-ahit ni Conor McGregor ng kaniyang balbas.
Nakilala na kasi ang UFC star sa kaniyang mahabang balbas at dahil inahit na nito ay marami ang nahiwagaan sa ginawa nito.
Huling lumaban ito ng walang balbas ay noong 2012 laban kay Dave Hill kung saan nagwagi ito.
Maraming mga nagsabi na kaya niya tinanggal ito ay bilang paghahanda sa laban niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Pinagbabawal kasi sa professional boxing ang pagkakaroon ng mahabang balbas.