-- Advertisements --
Pumayag na ang United Arab Emirates na maging host para sa 5,000 Afghan nationals na ililikas sa kanila sa loob ng ilang araw bago pumunta sa ibang bansa base sa request ng United States.
Ayon sa foreign ministry ng UAE, ang mga evacuees na ito ay manggagaling sa Kabul lulan ng mga eroplano ng US.
Sinabi ng foreign ministry na ang mga Afghan nationals na ito ay mananatili sa UAE sa loob ng 10 araw.
Magugunita na 8,500 katao na mula sa Afghanistan ang natulungan ng UAE sa pamamagitan ng kanilang mga eroplano at sa kanilang paliparan.