-- Advertisements --
Mika and Nash

Tila napabalik tanaw muli sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz noong sila ay mga bata pa na ngayon ay nauwi sa pagiging magkasintahan.

Ito’y kasabay ng kanilang second anniversary na ipinagdiwang sa pamamagitan ng outdoor event kasama ang kani-kanilang pamilya.

Sa bersyon ng 21-year-old actress, ibinahagi nito ang ilang maiksing video na nagpapakita kay Aguas na tila nasa isang lawa.

Simple lamang din ang naging pagbati ng kapatid ng artista ring si Angelika Dela Cruz, kompara sa 22-year-old actor na looking forward daw sa mas maraming “goals and adventures.”

Una nang ibinunyag ni Nash na isang taon niyang niligawan ang kanyang ka-batch sa isang kiddie gag show.

Bago si Mika, naging girlfriend niya ang aktres na si Alexa Ilacad.