-- Advertisements --

CEBU CITY – Opisyal ng binuksan ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ang turismo ng probinsya bunsod na unti-unting pagluwag ng mga lockdown areas sa lalawigan.

Sinimulan ng gobernadora ang pagresume ng mga activities na may kaugnay sa turismo sa bayan ng Oslob, ang tinaguriang lugar ng mga butanding para sa whale shark watching.

Ayon kay Garcia na ang mga local tourit at resident muna nga Cebu ang makaka-avail nito at hinikayat pa ng gobernadora ang mga Sugbuanon na suportaan ito.

Giit nito na kailangang mabalik ay buhayin na ang bumagsak na ekonomiya ng Cebu Province sa pamamagitan sa muling pagbukas na ng turismo.

Sa ngayon, nasa modified general community quarantine (MGCQ) ang malaking bahagi ng lalawigan, Maliban nalang sa Talisay City, Minglanilla, at Consolacion nga ngayon ay nasa GCQ.