CAUAYAN CITY- Tinaya ng Department of Trade and Industry (DTI) region 2 na 2% hanggang 3% ang itinaas sa presyo ng mga basic at prime commodities sa kabila ng halos linggu-linggong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Asst. Regional Director Winston Singun ng DTI region 2 na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa presyo ng mga bilihin upang matiyak na naipapatupad ang tamang suggested Retail Price sa mga malalaking groceries.
Sa mga maliliit namang tindahan pangunahin na sa mga malalayong lugar ay mapapansin din ang bahagyang mas mataas sa SRP na pinapayagan dahil na rin sa karagdagang presyong ipinapatung at cost of transportation.
Mayroon din silang tinatanggap na reklamo ngunit karamihan ay galing sa mga liblib at malalayong lugar na binibigyan naman ng allowance .
Sinabi pa ni Asst. Regional Director Singun na ang magalaw ang presyuhan sa pelengke ay ang mga fresh products tulad karne at mga seasonal na gulay at isda na iba ang pagtukoy sa SRP at hindi na rin sakop ng DTI
Samantala, kaugnay naman sa ipapatupad na price ceiling ng pamahalaang lokal ng Calayan, Cagayan ay ang mga produktong fresh na sakop ng DA at hindi DTI na maaring sakupin ng LGU.
Bago anya ipatupad ang price ceiling ay nagsagawa ang Calayan ng consultation o public hearing saka sila nagset ng susundin na SRP.










