-- Advertisements --

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong na puwede nilang pansamantalang ibigay sa mga manggagawa sa Mindanao na apektado ng magkakasunod na lindol.

May mga ulat kasing lumabas na maraming pabrika ang nasira sa naturang rehiyon dahil sa malakas na lindol na nagdulot ng job displacement sa rehiyon.

Aalamin din umano ng DOLE kung sumunod sa safety protocol ang mga kumpanya para na rin sa kaligtasan ng mga manggagawa doon.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa ng mga senior officials ng labor department ng assessment sa Mindanao para makita ang sitwasyon ng mga manggagawa doon.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nasa Mindanao ngayon sina Undersecretary Ana Dione at Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez para pangunahan ang assessment sa kasalukuyang sitwasyon doon.