-- Advertisements --
Ititigil na ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang medical assistance at Bayanihan E-Konsulta programs simula sa Hunyo 1.
Dahil dito ay hindi na rin tatanggap pa ng anumang aplikasyon para sa medical at burial assistance ang nasabing tanggapan.
Ito ay upang magbigay daan sa maayos na transition at pag-turnover ng programa sa susunod na mauupong bise presidente ng bansa.
Samantala, taos-puso namang nagpaabt ng pasasalamat ang opisina ni Vice President Leni Robredo sa lahat ng nakiisa sa inisyatibo sa paghahatid ng kinakailangang tulong medikal sa mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Tiniyak naman nila na magpapatuloy sila sa pagbibigay ng mga update sa lahat hinggil sa mga susunod pa nilang magiging hakbang.Top